Manila, Philippines – Malabong maipatupad ang sinasabing airstrikes ng US Military sa Marawi.
Matatandaang sa report ng NBC News sa Amerika, nagpaplano na ang pentagon ng mga airstrikes para pulbusin ang Daesh-ISIS at mga kaalyado nito sa Pilipinas.
Pero ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, walang usapin ng airstrikes ng Amerika.
Dagdag naman ni Afp Chief of Staff, General Eduardo Año – hindi kasi ito kasama sa mutual defense treaty ng US at Pilipinas.
Limitado lamang aniya ang ibinibigay na tulong ng Amerika sa bansa partikular sa pagbibigay ng impormasyon at technical assistance.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella – ang mga ganitong airstrikes ay hindi pinapayagan ng konstitusyon.
Facebook Comments