Planong balik-operasyon ng POGO, tinutulan sa Senado

Delikado para kay Committe on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang plano ng PAGCOR na payagang muling makapag-operate ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Diin ni Villaneuva, ang POGO ay posibleng maging daan ng lalong pagkalat ng COVID-19 dahil marami itong mga manggagawa na magsasama-sama sa saradong lugar at karamihan din ay naninirahan sa mga matataas na condominium.

Giit pa ni Villanueva, hindi rin nagbabayad ng buwis ang karamihan sa mga POGO kaya walang saysay na ibalik ang operasyon ng mga ito.


Sabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, okay lang na mag-operate an POGO kung work from home ito.

Pero kung hindi work from home ay hindi dapat payagan dahil hindi naman ito mahalaga.

Mas nanaisin din ni Recto na pabalikin sa trabaho ang mga construction workers at mga magsasaka sa halip buksan muli ang POGO.

Facebook Comments