Planong boycott sa local meat products, inalmahan

Manila, Philippines – Pumalag si Magsasaka Party-list Representative Argel Cabatbat sa apela ng Philippine Association of Meat Processors Incorporated o PAMPI sa publiko na huwag nang bumili ng local pork sa gitna ng isyu sa African swine fever (ASF).

Ayon kay Cabatbat, hindi pa rin sagot ang boycott sa local pork para maiwasan ang ASF at lalo lang maaapektuhan ang hog raisers.

Dapat aniyang ipaalala sa PAMPI na ang ASF ay nagmula sa imported na karne at hindi sa lokal na produkto.


Mistulang naghahanap umano ng masisisi ang grupo ng meat processing firms na pangunahing nag-aangkat ng karne abroad dahil sa mungkahi nito na parusahan ang lokal na industriya.

Depensa pa ng kongresista, bilyun-bilyong piso na ang nawala sa kapital sa loob ng ilang buwan mula nang kumalat ang ASF na pinalala pa ng misinformation o fake news tungkol dito pero patuloy na nakikipag-ugnayan ang local players sa gobyerno para protektahan ang publiko.

Facebook Comments