Kinuwestyon ni Senator Nancy Binay ang desisyon ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay ng bus stops sa gitnang bahagi ng EDSA.
Giit ni Binay, ilalagay nito sa disgrasya ang mga pasahero at mangangailangan pa ng imprastraktura na popondohan ng gobyerno.
Punto ni Binay, ang pagpunta sa gitna ng EDSA para sumakay sa bus ay malaking pahirap at may dulot na panganib sa mga pasahero lalo na sa mga senior citizen.
Para kay Binay, ang hilaw at minadaling plano ay unrealistic at hindi praktikal.
Apela ni Binay sa pamahalaan, huwag gawin na parang virtual experiment ang mga hakbang sa sektor ng transportasyon para sa mga mananakay.
Facebook Comments