Ikinakaalarma na ni Senator Leila de Lima ang tumataas na kaso ng mga krimen sa ating bansa na kinakasangkutan ng mga Chinese nationals.
Para kay de lima, hindi sapat na tugon dito ang plano ni Philippine National Police (PNP) Chief Lt. General Archie Gamboa na paglalagay ng mga Chinese help desk para tumutok sa mga kasong kinakasangkutan ng mga Tsino.
Paliwanag ni Delima, tanging pagtanggap lang ng mga reklamo mula sa mga biktima ang magagawa ng help desk at hindi matutuldukan ang paghahasik ng lagim sa bansa ng mga Chinese syndicates.
Giit ni de Lima, ang dapat gawin ng PNP ay maglatag ng kongkretong aksyon para tugisin at papanagutin ang mga Chinese syndicates na nasa likod ng mga nagaganap na krimen.
Apela ni de Lima sa mga awtoridad, huwag itong maliitin dahil hindi makatarungan na habang sinasakop at inaangkin na ng Tsina ang ating mga teritoryo, ay patuloy pang inaagrabyado at binibiktima ng mga kriminal at sindikatong Tsino ang mga Pilipino.