Planong extension ng pananatili ni US President Donald Trump sa bansa, inalmahan ng militanteng grupo

Manila, Philippines – Inalmahan ng Grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang plano ni US President Donald Trump na mag-extend pa ng isang araw sa pananatili dito sa bansa pagkatapos ng ASEAN Summit.

Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng grupong BAYAN, hindi welcome si Trump sa Pilipinas kaya’t sasalubungin nila ito ng kaliwa’t kanang protesta sa pagbisita nito sa bansa.

Hindi na rin aniya nila ikagugulat kung bibigyan ng thumbs up ni Trump ang administrasyong Duterte at magbibigay ayuda sa AFP at PNP sa kabila ng madugong human rights record ng mga ito.


Ayon kay Reyes, magsasagawa sila ng pagkilos sa Maynila at Clark, Pampanga, kung saan idadaos ang naturang summit.

Facebook Comments