Suportado ng mga economic managers ang planong granular lockdowns ng gobyerno.
Sa pinagsamang pahayag ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), at ng National Economic and Development Authority (NEDA), makatutulong ito upang mas maraming manggagawa ang makumbinseng bumalik sa labor force.
Itinuturing namang nasa recovery stage pa rin ang labor force ng bansa, kasunod ng resulta ng labor force survey nitong Hulyo.
Gayunman, dahil umano sa COVID-19 ay bumaba rin ang labor force participation rate.
Umaasa naman ang mga ito na ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang risk management strategy, at pagpapaigting sa health response ng bansa.
Facebook Comments