Planong imbestigasyon ng Kongreso sa flood control projects sa bansa, walang problema kay PBBM

Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung nais busisiin ng mga mambabatas ang mga flood control project sa bansa.

Sa ambush interview sa Batangas, sinabi ng pangulo na may mga nababasa siyang mga ulat na hinahanap ang flood control projects.

Nariyan naman daw aniya talaga ang mga proyekto subalit hindi lang talaga ito kinaya ang dami ng ulan na ibinuhos ng mga nagdaang bagyo.


Kaya kung iimbestigahan man aniya ng Kongreso ang mga proyekto, dapat ding tingnan dito ang siyensiya at ang mga nangyayari sa iba pang bansa.

Ngayon pa lamang aniya sa kasaysayan ng bansa naranasan ang matinding buhos ng ulan.

Malaking bahagi aniya ng mga nararanasang malawakang pagbaha sa mundo ay resulta ng climate change.

Facebook Comments