Planong impeachment complaint laban kay Comelec Comm. Rowena Guanzon, tinawag na fake news ni Atty. Larry Gadon

Itinanggi ng isang impeachment lawyer na may niluluto siyang impeachment complaint laban kay Comelec Comm. Rowena Guanzon.

Ito ang paglilinaw ni Atty. Larry Gadon, matapos lumabas sa isang website ng abogado.com ang artikulong may inihahanda siyang reklamo laban sa Comelec Commissioner.

Ani Gadon, fake news ang nasabing artikulo dahil wala naman siyang inihahandang reklamo laban kay Guanzon.


Bukod sa inihahandang impeachment complaint, tinawag ding atras-abante ang kanyang inihahandang reklamo.

Pinag-aaralan na ni Gadon ang paghahain ng reklamong Cybercrime Law laban sa admin ng nasabing website.

Facebook Comments