Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang plano ng gobyerno na umangkat ng 440,000 metriko tonelada ng refined sugar.
Babala ni Brosas, matindi ang magiging negatibong epekto nito sa lokal na industriya ng asukal at tiyak libu libong manggagawa at magsasaka nga sukal ang mawawalan ng hanapbuhay.
Sabi ni Brosas, nakita na ang negatibong epekto ng sobrang sobrang importasyon ng produktong agrikultural sa magsasaka ng palay noong lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Liberalization Law.
Kaya naman dismayado si Brosas na ngayon ay tila nais isabotahe ng Marco administration ang local sugar industry sa pamamagitan ng sobra sobrang pag-angkat ng asukal.
Giit ni Brosas ang dapat gawin ng gobyerno ay bigyan ng subsidya ang local sugarcane planters para magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon.