Planong importasyon ng isda ng Department of Agriculture, inalmahan ng isang kongresista

Binatikos ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang kawalan ng plano ng Department of Agriculture (DA) para maibangon ang kabuhayan ng mga mangingisdang apekatdo ng nagdaang Bagyong Odette.

Kasunod na rin ito ng plano ng ahensya na mag-angkat ng 60,000 metrikong tonelada ng isda kabilang ang galunggong at mackerel.

Giit ni Marcoleta, ang hakbang ng DA na mag-import na lamang ng isda mula sa ibang bansa ay nagpapakita ng kawalan ng plano sa ilang taon nang problema ng mga mangingisda.


Paalala ng kongresista, 20 bagyo sa bawat taon ang sumasalanta sa bansa kung saan anim hanggang pito rito ay lubhang mapaminsala.

Sa mga nakalipas na taon na hindi na bago ang kalamidad sa Pilipinas, dapat mayroon nang permanenteng support mechanism ang DA para tulungan ang mga mangingisda sa pag-aayos ng kanilang mga bangka at kagamitang sinira ng bagyo.

Ang paggamit aniya sa Bagyong Odette na katwiran sa pag-i-import ng isda ay naglalantad sa kahinaan ng ahensyang i-rehabilitate ang fishing industry bilang pangunahing bahagi ng agricultural sector.

Kung tutuusin pa aniya, nasa 60% lang ang budget utilization ng DA at maaaring gamitin ang natitirang pondo para i-subsidize ang mga mangingisda.

Facebook Comments