Planong ipagbawal ang mga kandidato na magtalumpati sa graduation ceremonies, suportado ng Comelec

Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang plano ng Department of Education (DepEd) na ipagbawal ang kandidato na magtalumpati sa mga graduation ceremonies.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – isa itong “very good development”.

Aminado si Jimenez na hindi nila mapipigilan ang mga pribadong eskwelahan na imbitahan ang mga kandidato bilang kanilang guest of honor sa graduation rites.


Pero iginiit din ni Jimenez na napakapangit ding tingnan kung padaluhin ang mga ito sa graduation rites ng mga public schools.

Wala namang problema ang poll body kung magbibigay ng medal donations ang mga kandidato basta at maliit lamang na halaga ang kanilang ido-donate.

Facebook Comments