Pumalag ang management ng Pinoy rapper na si Shanti Dope sa hakbang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipatigil ang pagpapatugtog at pag-promote ng kantang “Amatz”.
Iginiit ng kampo ni Shanti na dapat sinuri ng PDEA ang mensaheng nais ipaabot ng awitin sa halip na piliin lamang ang ilang bahagi ng kanta.
Mali anila ang interprestasyon ng PDEA tungkol sa mensahe ng awitin.
Hinikayat nila si PDEA Director General Aaron Aquino na pakinggan ang buong kanta.
Ang hiling na ban ng PDEA sa kanta ay magdudulot ng “dangerous precedent” sa “creative and artistic freedom” sa bansa.
Facebook Comments