Ayon kay U.S. Citizenship and Immigration Services Spokeswoman Jessica Collins, nagsasagawa na sila ng pag-uusap para isara ang kanilang opisina sa 20 bansa.
Paliwanag ng opisyal, ilang milyong dolyar ang matitipid ng Amerika na pwede pang makatulong sa mga backlogs.
Makikipag-ugnayan naman sila sa State Department para maiwasan ang anumang interruptions sa kanilang serbisyo.
Mayroong 70 empleyado sa mga opisina nila sa Great Britain, Mexico, South Africa, Italy, India, China at Pilipinas.
Facebook Comments