Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Liberal Party o LP ang balita na may niluluto itong plano para patalsikin si Senate President Koko Pimentel.
Ayon kay LP President Senator Kiko Pangilinan, huwag silang isangkot sa anumang hakbang na mapalitan ang liderato ng Senado.
Ang mga pangyayari na aniya ang magpapatunay na ang kanilang papel at kredibilidad ay gampanan ang check-and-balance sa administrasyong Duterte na mahalaga sa demokrasya umiiral sa bansa.
Dagdag pa ni Pangilinan, sa ngayon ay nakatutok din ang partido sa rebuilding o muling pagpapatatag nito matapos na magtalunan sa ibang partido ang karamihan sa kanilang mga miyembro.
Aminado si Pangilinan na medyo nahihirapan silang ito ay gawin dahil sa dami ng mga kasinungalingan at mga fake news na ibinabato sa kanila.
Sa kabila nito ay ipinagmalaki ni Pangilinan na nananatiling matatag ang liderato ng LP para labanan ang ilang polisiya ng administrasyong Duterte tulad ng pagsusulong na muling maipatupad ang death penalty at extra-judicial killings.
DZXL558, Grace Mariano