Pinuri ni Senator Panfilo Ping Lacson ang mungkahi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na mag-hire ng maraming contact tracer.
Layunin nito na mapaigting ang pagsisikap na mapigil ang pagkalat ng COVID-19 at mabigyan ng trabaho ang nakararami na siguradong makakatulong sa ekonomiya.
Giit ni Lacson, kailangang maipatupad ng maayos ng liderato ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ni Secretary Dominguez.
Paliwanag ni Lacson, ang contact tracing ay unang hakbang laban sa banta ng COVID-19 dahil ito ang tutukoy kung sino ang mga dapat mapasama sa mass testing na posibleng may taglay o maaaring magkalat ng virus.
Diin ni Lacson, kung hindi mapagbubuti ang contact tracing ay hindi magiging epektibo ang mass testing.
Facebook Comments