Planong mass resignation ng mga health worker, hindi pipigilan ng PNA

Hindi hinihimok ng Philippine Nurses Association (PNA) ang plano ng mga health worker na magsagawa ng mass resignation.

Pero ayon sa grupo, hindi nila masisisi ang mga medical frontliners na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang mga benepisyong ipinangako sa kanila ng gobyerno gaya ng hazard pay.

“As much as possible talaga, hindi nga namin gustong ine-encourage yung ating mga nurses na gawin yan ano, pero we sympathize with them. Naiintindihan namin bakit nila gagawin niya yan e, hindi namin sila pipigilan either sapagkat, siguro nga panahon na talaga para malaman ng ating kinauukulan na it’s time na pahalagahan natin yung ating mga nurses at iba pang health workers,” ani PNA National President Melbert Reyes.


Ayon pa kay Reyes, hindi kasi talaga nararamdaman ng mga health workers ang pagpapahalaga at malasakit ng gobyerno sa mga sakripisyo nila sa laban sa COVID-19.

“Tingnan niyo naman, yung ayuda kapag binigay walang problema, walang komplikasyon pero yung mga health workers natin di ba, P5,000 hahatiin pa, P200 per day. Ganon ba natin tinitingnan yung ating mga health workers, gano’n lang po ba yung value nila?” dagdag niya.

Aminado naman si Private Hospital Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) President Dr. Jose de Grano na tiyak na maaapektuhan ang mga COVID patients kapag nag-resign pa ang mas maraming nurse.

“Maaapektuhan po syempre ang ating mga kababayan na may COVID. Sinasabi na po namin na ang private hospitals, limitado po an gaming pang-i-increase o expand ng COVID beds dahil po kulang na kulang nap o kami ng nurses, e kung may magre-resign pa po, lalo pa pong mahihirapan tayo,” ani De Grano sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments