Planong muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings ng war on drugs, suportado ng Malacañang

Suportado ng Malacañang ang plano ng Philippine National Police (PNP) na muling buksan ang imbestigasyon sa high-profile killings sa war on drugs ng administrasyon Duterte.

Ito’y kaugnay sa mga naging rebelasyon ni dating PCSO Chairman Royina Garma na ‘di umano’y may aktibong pulis na sangkot sa pagpatay noon kay Tanuan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ang hakbang na ito ay magiging patunay na pinahahalagahan ng administrasyong Marcos ang patas na pagsisilbi ng hustisya.


Kabilang din dito ang universal observance o pangkalahatang pagpapatupad ng rule of law sa bansa.

Maliban kay Halili, kabilang din sa sinasabing mga high profile killings na related umano sa war on drugs ay ang kaso ng pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa at Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog.

Facebook Comments