MANILA – Nilinaw ng kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang planong pagpapatupad ng nationwide curfew at liquor ban.Ayon kay Peter Laviña, Spokesman ni Duterte, ang 10 p.m. curfew ay para lamang sa mga kabataang walang magulang o guardians.Layunin umano nitong masigurong ligtas ang mga menor de edad at maagang matulog para hindi mahuli sa klase.Dagdag pa ni Laviña na ang liquor ban naman ay ipapatupad lamang sa mga establisimyento sa mga pampublikong lugar simula ng 1:00 a.m.Ang curfew at liquor ban ay ipinatupad ni duterte sa davao city.Maliban dito ay bawal rin sa Davao ang karaoke sa dis-oras ng gabi at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Facebook Comments