Planong ni PBBM na pagbili ng avian flu vaccine, tiyak magpapababa sa presyo ng manok at itlog

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bababa ang presyo ng manok at itlog sa oras na matupad ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pagbili ng avian flu vaccines.

Sabi ni Romualdez, ang hakbang ng pangulo ay siguradong magpapasigla muli sa poultry industry ng bansa.

Binanggit ni Romualdez na bumaba ng 20% ang produksyon ng itlog sa bansa bunsod ng pagpatay sa hindi bababa sa 10 milyong manok dahil sa avian flu na unang naiulat sa bansa noong 2017.


Umaasa din si Romualdez na maisasabatas sa lalong madaling panahon ang panukalang Virology and Vaccine Institute of the Philippines na nakapasa na sa Kamara noong Disyembre.

Layunin ng panukala na makagawa ng mga gamot at bakuna sa bansa na hindi lamang para sa tao kundi maging sa mga hayop at halaman.

Facebook Comments