Manila, Philippines – Hindi praktikal na buwagin ang K to 12 Basic Education Program katulad ng ipinapanawagan ng ilang sektor.
Ayon kay OIC Principal Patrocinia Tiongson ng President Corazon Aquino Elementary School, malaki na ginastos ng gobyerno sa implementasyon ng programa kung kaya at hindi praktikal na bakbakin ito.
Iminungkahi ni Tiongson na sa halip na i-abolish dapat na lamang baguhin ang ilang aspeto ng K to 12 Program.
Aniya, dapat magsagawa ng panibagong curriculum mapping upang bawasan ang sobrang learning competencies ng mga estudyante.
Ani Tiongson, dahil sa dami ng competencies, hindi ito maisiksik sa 200 araw na panahon ng klase ng mga bata.
Dapat aniya na piliin lamang ang mga learning competencies na relevant o makabuluhan sa mga mag-aaral.