Planong pag-angkat ng 300,000 metric tons ng bigas, kailangan ng approval mula sa Pangulo

Nilinaw ng Malacañang na kailangan pang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng bigas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpasa na ng request sina Trade Secretary Ramon Lopez at Agriculture Secretary William Dar sa Office of the President para isulong ito.

Ang importation ay tinatayang nagkakahalaga ng ₱7.45 billion.


Sa ilalim ng implementing rules and regulations ng Rice Tariffication Law, maaaring atasan ng Pangulo ang Secretary of Trade and Industry at ang Philippine International Trading Corporation na bumili ng kakailanganing suplay ng bigas mula sa domestic at foreign sources sakaling magkaroon ng rice shortage.

Facebook Comments