Dinipensahan ng Food and Drug Administation (FDA) ang Department of Health (DOH) sa plano nitong mag-apply para sa emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines na gawa ng Sinopharm.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, naniniwala sila na walang conflict of interest sa hakbang ng DOH.
Ang EUA ay hindi product registration o marketing authorization.
Aniya, ginagawa rin ito sa ibang mga bansa at ang Executive Order 121 ay nakabatay sa guidelines ng World Health Organization (WHO).
Maaaring bumili ang pamahalaan ng bakuna lalo na kung walang local manufacturer o kinatawan dito sa bansa.
Ang DOH ay dadaan sa kaparahas na proseso sa pag-a-apply ng EUA kaya kailangan din nlang magpasa ng mga hinihinging dokumento partikular ang clinical trial data at iba pang requirements.
Ang Vaccines Experts Panel ang siyang bubusisi sa application.
Nakapagbigay na ang FDA sa DOH ng listahan ng mga requirements para sa EUA application.
Aabutin ng hanggang tatlong linggo para i-evaluate ng mga health regulators ang vaccine data.