Manila, Philippines – Kinumprima ni Communications Sec. Martin Andanar ang planong pag-atake ng teroristang grupo na ‘Daulah Islamiyah’, na konektado sa Maute at Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Andanar, mas kailangan pang palawigin ang umiiral na martial law sa Mindanao batay na rin sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Nagpapatuloy aniya ng pagre-recruit ng Daulah Islamiyah Group ng mga bagong miyembro.
Aniya, sapat na itong dahilan para mas paigtingin pa ang seguridad ng bansa.
Dagdag ni Andanar, nananatili ring banta sa seguridad ng bansa ang bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at Communist Party of the Philippines-New People’s Army at National Democratic Front.
Facebook Comments