Ibinabala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang maaring maging epekto sa sin tax bill ng pag-babawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-gamit at importasyon ng e-cigarette.
Ang panukalang amyenda sa sin tax bill ay nakasalang pa sa plenaryo ng Senado.
Dito ay kasama ang e-cigarette sa pinapapatawan ng buwis.
Paliwanag pa ni Recto, base sa mga pag-aaral ay mayroon namang mga e-cigarette na hindi gaanong delikado sa kalusugan ng publiko.
Facebook Comments