Planong pag-iimbestiga ng ICC sa Giyera kontra Droga, aksaya lang ng pera at panahon – Palasyo

Sinasayang lamang ng International Criminal Court (ICC) ang oras at pondo nito kung itutuloy nila ang pag-iimbestiga sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa mga ulat na ang opisina ni ICC Prosecutory Fatou Bensouda ay nakakita ng “reasonable basis” na nagkaroon ng crimes against humanity sa War on Drugs.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang hurisdiksyon ang ICC kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Walang dahilan para sa mag-imbestiga ang ICC sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.

Hindi natuloy ang imbestigasyon ng international court kapag hindi nakipagtulungan sa kanilang ang isang member-state.

Ang Pilipinas ay umaklas mula sa Rome statute na bumubuo sa ICC noong nakaraang taon.

Facebook Comments