Nagbabala ang grupong Pork Producers Federation of the Philippines (PPFP) at National Federation of Hog Farmers (NFHF) kaugnay sa plano ng Department of Agriculture (DA) na ibaba ang taripa sa mga inaangkat na karneng baboy.
Ayon kay PPFP Vice President for Luzon Nicanor Briones, posibleng mauwi sa food crisis ang mangyari dahil magiging kulang ang suplay ng baboy sa Metro Manila.
Pero pagtitiyak naman ni Briones, bagama’t hindi sila nakakatanggap ng transportation subsidy mula sa DA, tuloy-tuloy pa rin umano ang suplay ng baboy mula Visayas at Mindanao dahil hindi nasusunod ang price cap sa mga palengke.
Sa kabila nito, sinuportahan naman ng dalawang grupo na isailalim ang bansa sa State of Emergency dahil sa African Swine Fever (ASF).
Facebook Comments