Planong pagbabalik ng Pilipinas sa ICC, dapat munang dumaan sa pag-apruba ng Senado

Dadaan muli sa pag-apruba ng Senado sakaling magdesisyon ang pamahalaan na muling bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Senator Sonny Angara, magmimistulang bagong pasok ang Pilipinas na miyembro ng ICC kung babalik muli matapos na umalis ang bansa noong panahon ng dating administrasyong Duterte.

At bilang ito’y isang tratado kinakailangan aniyang dumaan ito sa concurrence o pagsang-ayon ng Senado.


Naunang nagpahayag si Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano na kabilang sa option na kanilang ipiprisinta kay Pangulong Bongbong Marcos ay ang posibilidad na ibalik ang Pilipinas sa ICC.

Habang, umapela naman sina Angara at Senator Nancy Binay na mag-ceasefire na ang kampo nila PBBM at mga Duterte dahil hindi ito nakakatulong sa pagresolba ng mga isyu sa bansa tulad ng inflation at national security.

Facebook Comments