Planong pagbabalik sa operasyon ng POGO, pinalagan ng liderato ng minorya sa Senado

Umalma si Senate Minority Leader Franklin Drilon, sa plano na payagan muli ang mga Philippine Offshore Gaming Operator o POGO na magbukas kahit may COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ni Drilon na hindi essential industry ang POGO para payagang mag-operate sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) o kahit pa ipatupad ang selective lockdown.

Ayon kay Drilon, ang mga mahalagang industriya lamang, katulad ng construction at manufacturing, ang dapat maibalik ang operasyon para sa maisalba ang ekonomiya.


Diin ni drilon, ang POGO ay wala namang ambag sa ekonomiya.

Bukod kay Drilon ay nauna ng nagpahayag ng pagtutol sa pagbalik sa operasyon ng POGO sina Senator Joel Villanueva at Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Facebook Comments