Planong pagbili ng DILG ng CCTV Camera sa Chinese Company, pinaiimbestigahan ni Senator Recto

Manila, Philippines – Pinapabusisi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Safe Philippines Project ng Department of Interior and Local Government o DILG dahil sa pangambang makompromiso nito ang segridad ng bansa at ang kaligtasan ng publiko.

Sa ilalim ng programa ay uutang ang DILG ng 20.3 billion pesos sa china para bumili sa China Electronics Technology Group Corporation ng 12 libong CCTV security cameras at ang kasama nitong teknolohiya.

Ang nabanggit na mga CCTV camera ay ikakalat sa Metro Manila at sa Davao City sa layuning mabawasan ng 15-porsyento ang mga krimen.


Pero katwiran ni Recto na posibleng naging daan ito para magkaroon ng access ang dayuhang bansa sa mahahalagang impormasyon na makakalap ng mga security camera.

Dagdag pa sa impormasyon ni Recto, ang nabanggit na kompanya ay supplier din ng kumpanyang huawie na umano ay ban na sa ibat ibang bansa dahil sa hacking at pang eespiya.

Facebook Comments