Planong pagbili ng fighter jets ng Pilipinas sa Amerika, tumaon lamang sa pagiging agresibo ng China sa WPS —Malacañang

Muling iginiit ng Malacañang na walang tinatarget na bansa ang planong pagbili ng F-16 fighter jets sa Amerika.

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea ang dahilan kaya bibili ng F-16 fighter jets ang bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagkataon lang ang planong pagbili ng kagamitang-pangdepensa sa kinakaharap na isyu ng Pilipinas sa China.

Giit ni Castro, matagal ng programa ng pamahalaan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Wala pa man aniyang isyu ang Pilipinas sa ibang bansa ay nakalatag na ang AFP Modernization.

May nauna na ring pahayag si Romualdez na ang 20 bagong F-16 fighter jets ay alok ng US bilang bahagi ng AFP Modernization Program pero nakadepende sa terms at kung kakayanin ng Pilipinas ay saka lang ito aaprubahan ng Kongreso at ng presidente.

Facebook Comments