Planong pagbili ng Sinovac, dapat pag-aralang mabuti ng Malakanyang

Umapela si Senator Risa Hontiveros sa Malakanyang na maging maingat at pag-aralang mabuti ang planong pagbili ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac.

Giit ni Hontiveros, ang Sinovac vaccine ay hindi pa pasado sa assessment ng Health Technology Assessment Council at ng Food and Drug Administration (FDA).

Binanggit din ni Hontiveros, ang mga isyu laban sa Sinovac vaccine tulad ng kawalan ng transparency sa data at resulta ng pagsusuri dito, at ang nakitang side effects nito sa Peru at history ng panunuhol ng kompanya.


Punto pa ni Hontiveros, dapat ding ikonsidera na isa sa pinakamahal din ang presyo ng Sinovac vaccine.

Diin ni Hontiveros, dapat science, safety at pagiging epektibo ng bakuna ang maging batayan ng ating gobyerno at hindi pulitika o pagbibigay ng political favor.

Hindi rin inaalis ni Hontiveros ang posibilidad na gamitin ng China ang vaccine diplomacy para mapatahimik ang bansa sa ginagawa nitong pagkamkam at pambabastos sa West Philippine Sea.

Facebook Comments