Planong pagbubukas ng imbestigasyon sa PDAF scam, suportado ni Senator Gatchalian

Manila, Philippines – Suportado ni Senator Win Gatchalian ang hakbang ng Department of Justice o DOJ na muling imbestigahan ang Priority Development Assistance Fund o PDAF at Disbursement Acceleration Program o DAP scandals.

Para kay Gatchalian, ang mga terminong PDAF at DAP ay kasingkahulugan na rin mga salitang katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

Ipinunto din ni Gatchalian, ang hindi pagtugon ng dating administrasyon sa hiling ng taumbayan na maparusahan ang lahat ng nasa likod ng nasabing anumalya.


Sa tingin ni Gatchalian, ngayon na ang perpektong oportunidad para kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na ibigay ang hustisyang hiling ng publiko upang patunayang mali ang kanyang mga kritiko.

Giit ni Gatchalian sa DOJ, tiyaking magiging malalim, patas at walang kinikilingan ang gagawing reinvestigation upang masiguradong mapapanagot ang mga tunay na mandarambong anuman ang kanilang political affiliation.

‘’I support the move of the Department of Justice to re-investigate the PDAF and DAP scandals. I expect the Department of Justice to conduct a thorough, objective, and fearless investigation which will hold these plunderers responsible for their crimes, no matter what their political affiliation may be,” ayon kay Gatchalian.

Facebook Comments