Planong pagbuo ng Dept. of OFW ni Pangulong Rodrigo Duterte – tinutulan ng ilang gabinete nito

Manila, Philippines – Tutol ang Department of Labor and Employmentsa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng Department of OverseasFilipino Workers para tugunan ang mga pangangailangan at problema ng mgamanggagawang pilipino sa ibayong dagat.
  Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III – ang gustongpagbuo ng kagawaran ni Pangulong Duterte ay tila nagpapahiwatig na kailangan ngbansa na magpadala ng mga OFWs sa ibang bansa.
  Taliwas aniya ito sa gusto ng DOLE na manatili na lamangsa Pilipinas ang mga manggagawang Pilipino.
  Sinang-ayunan naman ito ni Budget Sec. Benjamin Diokno dahilmagiging redundant lamang aniya ang pagbuo ng OFW department.
  Naniniwala ang dalawang kalihim na may mas magandangoportunidad ang mga manggagawa sa loob ng Pilipinas.
   

Facebook Comments