
Magiging malaking hamon na makuha muli ang suporta ng 1/3 ng mga kongresista sakaling may maghain ng uli ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, ito ang realidad dahil iba na ang komposisyon ng Kamara ngayong 20th Congress kumpara noong 19th Congress.
Magugunitang sa nagdaang kongreso ay agad na nakakuha ng boto mula 1/3 o higit pang bilang ng mga kongresista ang reklamong impeachment laban kay VP Sara kaya madali itong nai-akyat sa Senado na syang tumatayong impeachment court.
Sabi ni Adiong, maraming mga kongresista na sumupora sa nagdaang impeachment case sa ikalawang pangulo ang natapos na ang termino at wala na ngayon.
Facebook Comments










