Planong paghahain ng ethics complaint ni Faeldon, pagsasayang lang ng papel at ink – Senator Lacson

Manila, Philippines – Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, karapatan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na sampahan sya ng reklamo sa senate ethics committee.

Sa pagkakaalam ni Lacson, mismong si Senator Richard Gordon pa ang nagpayo kay Faeldon na magsampa ng ethics complaint.

Gayunpaman, binigyang diin ni Lacson na magiging magiging pagsasayang lang ng papel at ink ang hakbang ni Faeldon.


Giit pa ni Lacson, may pera naman si Faeldon para magbayad ng abogado kahit para sa katangahan at walang kwentang bagay.

Itinuturing naman ni Senator Antonio Trillanes IV na bahagi lang ng hindi nauubos na mga gimik ni Faeldon ang inihahandang ethics complaint laban sa kanya.

Sa bandang huli, ayon kay Trillanes ay kakailanganin pa ring humarap si Faeldon sa Senado at sumagot sa mga tanong ukol sa mga katiwalian sa Bureau of Customs.

Facebook Comments