Ibinabala Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagpilay sa COVID-19 vaccination program at pagsabotahe sa public-private vaccination partnership.
Ayon kay Recto, ito ay kung matutuloy ang plano ng Department of Health (DOH) at National Task Force (NTF) against COVID-19 na harangin ang ilang pribadong kumpanya na bumili ng COVID-19 vaccines.
Diin ni Recto, wala ring probisyon sa COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na nagpapahintulot sa gustong mangyari ng DOH at NTF.
Katuwiran pa ni Recto, libu-libong manggagawa ng nabanggit na mga kompanya ang kailangan nilang bakunahan para maproteksyunan laban sa virus.
Giit pa ni Recto, malaking tulong din ang 50% ng mga bakunang bibilhin ng pribadong sektor na ido-donate sa gobyerno para maiturok sa mamamayan.
Hindi maintindihan ni Recto kung ano basehan ng planong pagpigil ng DOH at NTF na magamit ang pondo ng pribadong sektor sa bakuna para sa kapakanan ng publiko.