Planong pagkakaroon ng joint naval exercises sa pagitan ng pwersa ng ibat ibang mga bansa, welcome sa AFP

  Manila, Philippines – Bukas ang pamunuan ng Armed Forces ofthe Phil. na magkaroon ng joint naval exercises sa lahat ng bansa hindi lamangsa China.
  Ito pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano, kasunodnang naging statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas sya sa pagkakaroonng naval drill sa pagitan ng sundalong pinoy at Chinese Navy sa Sulu sea at ibapang parte ng Mindanao.
  Ayon kay Gen. Ano,maraming natutunan ang AFP mula sa ibatibang bansa lalo na sa pagsasagawa ng humanitarian and disaster response, anti-piracyat counter terrorism scenarios.
  Pero bago aniya masimulan ang mga aktibidad na itokinakailangan magkaroon muna ng isang defense o military agreement sa pagitanng china at pilipinas katulad nang kasalukuyang umiiral na visiting forcesagreement.
  Layon ng kasunduang ito na matukoy ang protocol na gagawin,at dapat ito ay may konesyon okaugnayan pa rin sa agreement na mayroon ang mga kaalyadong bansa.
 

Facebook Comments