Para kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, isang pambabastos sa ating electoral process at insulto sa mga botanteng Pilipino ang plano ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kumandidato muli sa 2025 elections.
Punto pa ni Adiong, hindi rin ito patas para sa mga kandidato na nadidiskwalipika dahil sa pagiging nuisance candidates, pagkakaroon ng kapangalan na kandidato at kawalan ng kakayahang mangampanya.
Giit ni Adiong, nahaharap si Guo sa iba’t ibang kaso gaya ng human trafficking at pamemeke ng kaniyang birth certificate, malinaw din ang pagsisinungaling, at panlilinlang nito at nakakabahala ang dokumentaryo ng Al-Jazeera na sinasabing siya ay isang foreign spy na ang totoong pangalan ay Guo Hua Ping.
Bunsod nito ay iginiit ni Adiong sa Commission on Elections (COMELEC) busisiing mabuti ang isusimiteng Certificate of Candidacy (COC) ni Guo at kanselahin.
Diin ni Adiong, hindi natin dapat payagan na manipulahin ang ating electoral system ng mga indibidwal na may kwestyunableng motibo, kahina-hinalang pagkatao may history ng pagkakasangkot sa krimen o iligal na gawain.