Planong pagkuha ng US ng 75,000 Filipino seafarers, malaking tulong sa maritime sektor ng Pilipinas

Labis na ikinalugod ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang nakatakdang pagkuha ng isang kompanya sa Amerika ng 75,000 Filipino seafarers.

Diin ni Salo, tiyak magpapa-angat ito sa maritime industry ng bansa at malaking tulong din sa mga manggagawang Pilipino sa abroad.

Para kay Salo, ipinakikita nito na kinikilala sa buong mundo ang husay at kakayahan ng ating mga kababayang seafarers.


Sabi ni Salo, bunga ito ng walang pagod na pagsisikap ng pamahalaan at pribadong sektor na mapaunlad ang ating maritime industry at maisulong ang kapakanan ng Filipino seafarers.

Bunsod nito ay nagpasalamat din si Salo sa pagpupunyagi nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at kay House Speaker Martin Romualdez na mabuksan ang nasabing malaking oportunidad para sa mga Filipino seafarer.

Facebook Comments