Planong paglalagay ng "drug drop-boxes" nationwide, sinang-ayunan ni PNP Chief

Manila, Philippines – Sang-ayon si PNP Chief PDG Ronald Bato dela Rosa sa mungkahi ng DILG na maglagay ng drug drop-boxes nationwide.

Ang planong ito ay para sa pagkolekta ng mga anonymous na sumbong ng mga mamamayan tungkol sa mga drug personalities sa kanilang mga lugar.

Ayon Kay dela Rosa, ginawa na ito sa QCPD at napatunayang epektibo sa pangangalap ng impormasyon sa mga drug-related activities sa komunidad.


Marami kasi aniya ang natatakot na magsumbong ng harapan sa mga pulis sa mga kakilala nilang user o tulak ng droga dahil possible silang balikan.

Pinawi naman ni dela Rosa ang pangamba na ang mga drop boxes ay possibleng gamitin Lang ng mga ibang tao para sa personal na alitan, kung saan ilalagay ang pangalan ng kanilang mga kaaway sa drop box.

Tiniyak ni dela Rosa na ang lahat ng impormasyong makakuha sa pamamagitan ng mga drop boxes ay masusing I-vavalidate ng PNP, at kung wala naman talagang kinalaman sa droga ang isang taong isinumbong, wala itong dapat ipag-alala.

Facebook Comments