Planong pagpapababa sa presyo ng bigas, maituturing na publicity stunt kung ilalaan lamang sa mga mahihirap nating kababayan

Iginiit ni Kabataan Party-listRepresentative Raoul Manuel na dapat maging available sa lahat ang target na 29 pesos kada kilo ng bigas.

Para kay Manuel, maituturing itong publicity stunt lamang ng administrasyon kung ang murang presyo ng bigas ay maipagkakaloob lang sa mahihirap nating kababayan.

Pahayag ito ni Manuel kasunod ng anunsyo na ang pagtapyas sa taripa sa imported na bigas ay magreresulta sa pagbaba sa presyo ng bigas na inaasahang mararamdaman sa susunod na buwan.


Kaugnay nito ay iginiit ni Representative Manuel ang paglalatag ng pangmatagalang solusyon para mapababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa lokal na produksyon at hindi palaging pagkonsidera sa importasyon.

Facebook Comments