
Wala nang saysay kung papalitan si House Speaker Martin Romualdez.
Ito ang inihayag ni Vice President Sara Duterte sa harap ng napabalitang papalitan na si Romualdez.
Ayon kay VP Sara, hindi na maibabalik ang malaking perang nawala sa kaban ng bayan dahil sa aniya’y korapsyon sa national budget kahit alisin man sa pwesto si Romualdez.
Una nang pinabulaanan ng Malacañang ang sinasabing memorandum order na pirmado ni Executve Secretary Lucas Bersamin na nag-uutos daw na alisin na sa puwesto si Speaker Romualdez para makabawi sa ratings ang Marcos administration.
Facebook Comments









