Planong pagpapalit ng pangalan ng Sorsogon State College sa Dr. Salvador Escudero 111 State University, inalmahan ng mga taga-Sorsogon

Sorsogon – Dahil sa ginawang amendment ni Cong. Rodolfo Fariñas sa kongreso na gawing Dr. Salvador Escudero 111 State University ang kasalukuyang Sorsogon State College, ay umalma ang mga taga-Sorsogon sa ginawang hakbangin ng kongresista.

Dahil dito, naglipana ang mga tarpolin sa palibot ng Sorsogon State College na may nakalagay na ‘Ayaw Namin Sa Epal’.

Kaagad namang nagpaliwanag ang mga Escudero sa alegasyong nais nilang palitan ng kanilang apelyido ang nasabing paaralan.


Ayon kay Sorsogon 1st District Congw. Evelina Escudero, ang kanyang isinusulong ay maging Sorsogon State University ito, taliwas sa ninanais ni Fariñas.

Maging ang kanyang anak na si Senator Chiz Escudero ay umalma sa hakbanging ito.

Ayon sa kanya, haharangin niya ‘di umano ito sa Senado dahil ayaw daw ng kanilang pamilya na ilagay ang kanilang pangalan sa mga proyekto ng pamahalan lalo na pera ng taong bayan ang ginagamit para dito.


Facebook Comments