Planong pagpapasara ng Kapa Ministry, posibleng dahil sa pulitika ayon sa tagapagsalita ng grupo

Naniniwala ang mga miyembro ng Kapa Ministry na posibleng pulitika ang nasa likod ng planong pagpapasara sa kanilang grupo.

Ayon kay Danny Mangahas, tagapagsalita ng Kapa, tingin nila ay nasagasaan nila ang mga oligarko at mayayaman.

Aniya, boluntaryo ang pagsali sa Kapa at wala namang nagrereklamo.


Kasabay nito, muling umapela ang kapa kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang makapag-operate.

Suportado rin naman daw nila ang kampanya ng administrasyon laban sa krimen at kahirapan.

Hunyo a-kwatro nang magpalabas ng freeze order ang Court of Appeal sa mga bank accounts at iba pang assets ng kapa matapos itong ikonsiderang investment scam ng securities and exchange commission.

Inutusan na rin ni Pangulong Duterte ang NBI at PNP na ipasara ang lahat ng tanggapan ng Kapa Ministry.

Facebook Comments