Planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte, imahinasyon lang para sa isang Senador

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na imahinasyon lang ang ibinunyag ng malakanyang na ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sangkot ang ilang media organizations.

Sabi pa ni Hontiveros, tila dinadaig na ng malakanyang ang pelikula ni Keanu Reeves dahil sa dami ng matrix na inilalabas nito kabilang ang mga matrix ukol sa illegal drug trade at oust matrix.

Dahil dyan ay hinikayat ni Hontiveros ang publiko na huwag magpa-distract.


Apela ni Hontiveros sa mamamayan, patuloy na bantayan ang mga pangunahing isyu tulad ng patuloy na kawalan ng komprehensibong tugon ng pamahalaan sa patuloy na panghihimasok ng bansang Tsina sa ating teritoryo.

Facebook Comments