PLANONG PAGPAPATAYO NG NUCLEAR POWER PLANT SA BAYAN NG LABRADOR, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang adhikaing pagpapatayo ng nuclear power plant sa bayan ng Labrador.
Alinsunod dito, nakipagpulong ang tanggapan ng Distrito Dos sa Pangasinan sa pamumuno ni Congressman Cojuangco sa South Korea Ministry of Trade, Industry, and Energy (MOTIE) upang ipaabot ang pagnanais na makipagtulungan sa pagsasakatuparan ng nuclear energy.
Tinalakay sa pulong ang mga konsultasyon tungkol sa plano at ang mga magiging hakbang sa pagpapagawa ng nasabing power plant.

Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng lalawigan sa iba’t-ibang bansang may matibay nang pundasyon sa usaping nuclear upang maisakatuparan ang pagpapatayo nito sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews 
Facebook Comments