Planong pagpapatupad ng “no vaxx, no labas policy” sa buong bansa, agenda sa pulong ng IATF bukas

Posibleng mapabilang sa mga tatalakain sa pulong ng Inter-Agency Task Force o IATF bukas ang mga rekomendasyon na ipatupad na rin sa labas ng Metro Manila ang paglilimita sa movement o kilos ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, makaraang umani ng suporta mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga kalihim ng gabinete ang resolusyong ito ng Metro Manila mayors ay kanila itong i-a-agenda sa pulong ng IATF bukas.

Gayunpaman, mayroon aniyang kakayahan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na ipatupad ang kaparehong ordinansa para sa kanilang nasasakupan.


Halimbawa aniya ang Regional Task Force Against COVID-19 sa CALABARZON na nag-apruba sa memorandum na maglilimita sa movement ng mga unvaccinated sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Nograles na posible na dahil dito, ang mga Local Government Unit (LGU) sa CALABARZON ay maglabas na rin ng kaparehong ordinansa.

Facebook Comments