Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang iba’t ibang sektor sa agrikultura sa plano ng pamahalaan na ipatupad ang sugar import liberalization.
Ayon sa grupong Tanggol Asukal Network, lalo lang umanong titindi ang kahirapan sa kabuhayan ng mga sugar workers kapag ginawa umano ito ng pamahalaan.
Tiyak anila na mas babagsak pa ang lokal na industriya ng asukal at asahan na ang epekto sa kabuhayan ng mga local farmers at agricultural workers tulad ng nangyari sa rice, garlic and onion farmers.
Kaugnay nito nanawagan sila sa economic managers ng Duterte administration na huwag na nilang ituloy ang pagpapatupad ng liberalisasyon sa pag-angkat ng asukal.
Nagbanta din sila na magpatupad ng mass actions kapag hindi sila pinakinggan ng gobyerno.