Planong pagpataw ng price cap sa farmgate at trader’s price ng baboy, lalong papatay sa industriya ng pagbababoy sa Pilipinas

Ginagawa lang palusot ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang umano’y kartel sa presyo ng baboy para pagtakpan ang kabiguan nitong makontrol ang pagkalat ang African Swine Fever (ASF).

Ito ang iginiit ng Pork Producers Federation of the Philippines matapos na ipag-utos ng kalihim ang pagtugis sa mga trader at wholesaler na nananamantala sa presyo ng karneng baboy.

Ayon kay ProPork Vice President Nicanor Briones, hindi totoo na may kartel.


Aniya, ang pagtaas ng presyo ng baboy ay dahil sa epekto ng ASF, importasyon at pork smuggling.

Kasabay nito, nagbabala si Briones na posibleng tuluyang mamatay ang industriya ng pagbababoy sa bansa kung matutuloy ang plano ng DA na magpataw din ng price ceiling sa farmgate at trader’s price ng baboy.

“P130 billion na ang nawala sa aming industriya, tapos ang solusyon e parusa. Kapag ginawa nila yan e talagang, kami e naghihingalo na, tuluyan na nila kaming pinatay,” ani Briones sa panayam ng RMN Manila.

Facebook Comments